top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

3 mandurukot sa Divisoria, Carriedo, Sta. Cruz at Baclaran, gumagala!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 18, 2018
  • 2 min read

ISANG linggo na lang at Pasko na kaya ang mga demonyong kamag-anak ni Taning ay sinasamantala ang mga kababayan nating nakatanggap na ng kani­lang 13th month pay at bonus ay kanilang pineper­huwisyo.

Narito ang modus-operandi ng mga hinayupak na sina “Spotter”, “Player” at “Bakero” na namama­yag­­pag sa Divisoria kung saan sa lugar na ito mo mabibili ang lahat ng kai­langan na bukod sa mura na ay maka­pamimili ka pa ng gusto mo. Pero, kwidaw kayo mga ka-Bulgar dahil tatlong mga balasubas ang nakatakda kayong perhu­wis­yuhin ngayong kapas­ku­han.

Si “Spotter” — siya ‘yung nagmamanman o naniniktik sa mga duma­dayong mamimili at kan­yang pinipigurahan ang posibleng mabik­tima lalo na silang may kasamang bata o may kilik na paslit na abala sa pamimili ng bibilhin na kapag positive o madali nilang dukutan o laslasin ang bag nito ay agad niyang ititimbre kay “Player”.

Si “Player” — siya ‘yung magsasagawa ng karumal-dumal na operation kung saan susun­dan nito ang kaawa-awang biktima kahit saan ito pumunta. Tandaan n’yo mga suki na si Pla­yer ay isang batang lalaki na edad pito hang­gang 15 na hindi mo iisiping isa itong man­durukot at kapag hindi nito maduku­tan ang biktima ay may dala itong blade na pan­laslas nito sa bag ng biktima. At kapag nag­tagumpay na sa kawa­lang-hiyaan ay ipapasa nito ang naku­lim­bat na gamit kay “Bakero”.

Si “Bakero” — siya naman ang magtatago ng mga gamit na ninakaw na pakikiramdaman nito kung gagawa o sisigaw ang bikti­ma at isusum­bong sa alagad ng batas ang nangyari sa kanya.

‘Yan ngayon ang mga raket o modus ng mga halang ang bituka na nama­mayag­pag hindi lang sa Divisoria kundi sa Carriedo, Sta. Cruz, Manila at Baclaran sa Para­ñaque.

O, kayo riyan mga suki, ipinapayo ng inyong ling­kod na mag-ingat, maki­ramdam, maging alerto kayo ngayong kapas­ku­han dahil nakaabang ang mga buwitre sa inyong pupuntahan.

Ikaw kaibigan, anong sey mo?

Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!

Ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page