top of page
Pokwang.jpg

2 motor nagsalpukan, rider dedbol

Levi Gonzales
Dec 18, 2018
1 min read

KAPWA isinugod sa ospital ang dalawang riders matapos magkasalpukan sa Bgy. Latag, Taal, Batangas.

Pasado alas-10:00 ng gabi, sakay ng kanyang motor ang nasawing si Alex Pedernal, nang kainin ang kanyang linya ng isa pang motor na minamaneho naman ni Edgar Ramos.

Kapwa tinumbok ang unahang bahagi ng kani-kanilang motorsiklo dahilan ng pagtilapon nila sa daan at pagkawasak ng sasakyan.

Nagtamo sila ng matinding pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan kung saan isa ang agad namatay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page