16-anyos tiklo sa 1 kilong droga
- Gina Pleñago
- Dec 18, 2018
- 1 min read

NAKUHA mula sa 16-anyos na binatilyo ang 1 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Taguig City.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na hindi pinangalanan.
Ayon sa ulat na nakarating sa Southern Police District, gabi nang magkasa ng anti-criminality operation ang mga kagawad ng Taguig City Police sa Reposar St., Bgy. Upper Bicutan, Taguig City.
Tiyempo namang nahuli ng mga pulis ang binatilyo dahil sa kahina-hinalang ikinikilos nito na may dalang bag.
Nang alamin ng mga awtoridad ang dalang bag, bumulaga sa kanila ang limang plastic packs ng marijuana na nasa isang kilo.





Comments