top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Tatakbong vice-mayor | KONSEHAL NIRATRAT, TODAS

Jeff Tumbado
Dec 17, 2018
1 min read

POLITIKA ang nakikitang dahilan sa pananambang sa kasalukuyang konsehal sa Sto. Tomas, Pangasinan, kahapon ng umaga.

Tatlong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Councilor Benjamin ‘Junjun’ Oculto, Jr., na tatakbong vice-mayor.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, dadalo sana ng misa ang biktima nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng mga lalaki mula sa isang van sa labas ng simbahan bandang alas-11:00 ng umaga.

Ito na umano ang ikalawang insidente ng pananambang sa Sto. Tomas kung saan nitong Oktubre ay unang pinagbabaril ang konsehal na si Ely Arciaga Ramos sa tapat mismo ng kanyang bahay sa Bgy. Poblacion.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page