Mindoro nilindol

TUMAMA ang Magnitude 3.8 na lindol sa Occidental Mindoro, kahapon ng umaga.
Sa inilabas na datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 19 kilometers northeast ng Paluan, alas-8:41 ng umaga.
May lalim itong 18 kilometers at tectonic ang pinagmulan. Dahil dito, naramdaman ang Intensity II sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro.
Wala namang napaulat na nasirang ari-arian sa lugar at wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.





Comments