Lalo na kung dehins na umuubra ang paghihilod, lodi! TIPS PARA MAPAPUTI ANG MGA TUHOD, ALAMIN!
- Jersy Sanchez
- Dec 17, 2018
- 2 min read

HINDI ka ba makapagsuot ng palda o short dahil hindi ka confident sa iyong mga tuhod? Don’t worry, beshy, dahil ito na ang iba’t ibang alternatibong pampaputi ng mga tuhod na maaari mong makita sa inyong bahay. Wow!
1. COCONUT OIL. Ayon sa mga eksperto, ang Vitamin E na taglay nito ay epektibong pampaputi, pampakinis at pantanggal ng langis sa balat. Upang magamit ito, ipahid lamang ang coconut oil sa iyong mga tuhod pagkatapos mong maligo. Maaari itong gawin, araw-araw.
2. SUGAR. Maaaring gamitin ang asukal bilang scrub dahil tinatanggal nito ang mga nakadikit na libag sa mga tuhod at pinalalambot din nito ang iyong balat. Kumuha ng tatlo hanggang limang kutsara ng asukal at olive oil. Ipahid ito sa apektadong balat at ibabad sa loob ng limang minuto. Pagkatapos nito ay maaari nang banlawan ang mga tuhod gamit ang maligamgam na tubig. Gawin ito ng isang beses sa isang linggo.
3. CALAMANSI JUICE. Kilala ang kalamansi bilang citrus fruit na mayroong Vitamin C kung saan ito ay kadalasang ginagamit sa mga produktong pampaputi. Hatiin lamang ito sa dalawa at ikuskos sa mga tuhod hanggang maubos ang katas nito. Inirerekomenda ng mga eksperto na gawin ito ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo bago maligo.
4. HONEY. Ginagamit ang honey bilang pampatamis sa mga pagkain, ngunit, mayroon din itong bitamina na pinaniniwalaang nakapuputi ng balat. Haluin ang isang kutsaritang honey at apat na pirasong hiwa ng kamatis. Ipahid at imasahe ito sa mga tuhod at ibabad sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto lamang. Gawin ito araw-araw hanggang sa pumuti ang mga tuhod.
5. ALOE VERA. Ito ay karaniwang ginagamit bilang pampaganda ng buhok, pero knows ba ninyo na mabisa rin itong pampaputi? Maaaring gumamit ng totoong aloe vera o gel na nabibili sa mga botika. Ipahid lamang ang katas ng aloe vera sa mga tuhod, araw-araw.
Mga beshy, ano pa ang hinihintay ninyo? Punta na sa inyong kusina at subukan ang mga ito.
Okie?




Comments