top of page
BIDA - CLAUDIA, PINAPAPALITAN NG BARRETTO ANG APELYIDO-IG _claudia & _dennisastig.jpg

It means, trust is the key, teh! PINAPAYUHANG MAGTIWALA SA TAKDANG KAPALARAN UPANG MAKARANAS NANG MA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 17, 2018
  • 3 min read

Dear Maestro,

Ako ay isa sa mga tagahanga ninyo at palaging nagbabasa ng inyong kolum. May collection na rin ako ng Books 1, 2, 3 at 4.

Sa ngayon ay hini­hintay ko ang pagla­bas ng Book 5 ninyo para makumpleto ko na ng aking collection.

Naisipan kong su­mangguni sa inyo upang itanong kung ano ang katangian ng taong isinilang nang December 3, 1988?

Ako ay may zodiac sign na Sagittarius at may birth date na 3 sa destiny number na 5.

Itatanong ko lang kung ano ang dapat kong gawin upang ako ay umunlad at uma­senso sa buhay?

Umaasa,

Maurine ng Dolores, Bacolor, Pampanga

Dear Maurine,

Para umasenso ka, ang unang-una mong dapat gawin ay baguhin mo ang magulo at med­yo nababoy mong lag­da na nilagyan mo ng maraming burloloy.

Para maayos mo ang iyong lagda, dapat isulat mo nang malaki at ma­linaw ang letrang “m” at letrang “c” bilang unang letra at ikalawang letra sa iyong lagda.

Simpleng “m” at sim­pleng “c” lang na wa­lang burloloy ang dapat, pagkatapos ay idugtong mo na kaagad ang iyong kumpletong apelyido.

Sa ganyang sim­pleng lagda, pilitin mong magkaroon ng ma­linaw at bilog na buntot ang letrang “y” sa git­nang bahagi ng iyong lagda sapagkat ang bi­log at malinaw na buntot ng letrang “y” ang siyang magsisilbing enerhiya at lakas ng loob upang ikaw ay magpatuloy sa lahat ng iyong mga ha­ngarin sa buhay.

At siyempre, huwag mong ibalikwas sa di­reksiyong pakaliwa ang dulong bahagi ng let­rang “a” para hindi na muling maburara at mababoy ang iyong lagda.

Pagkatapos, ibukas mo ang letrang “a” sa halip na sarado at ta­pusin mo ang iyong lagda sa tuwid na guhit.

Sa ganyang lagda, tiyak ang magaganap, mapapawi na ang lahat ng takot na iyong na­raramdaman kung saan sa sandaling lumakas na ang iyong loob dahil hindi mo na binaboy ang iyong lagda, magi­ging maganda na rin ang iyong kapalaran tungo sa isang maunlad at maligayang pamu­muhay.

Pangalawa, dahil Sa­gittarius ang iyong zo­diac sign sa birth date na 3, palagi kang mag­susuot ng kulay pula o mga ku­lay na hinango sa pula tulad ng pink, lila, pur­ple, lavender at iba pang mga kulay na kauri nito sapagkat ang na­sabing mga kulay ang magbibigay sa iyo ng dagdag na suwerte at magandang kapalaran.

Kapag nagsawa ka na sa kulay pula, puwe­de mo ring isuot ang kulay na sadyang inila­an sa destiny number mong 5, (12+3+1988 =2003/ 20+03=23/ 2+3 =5) ang powder blue, metallic blue, gray, silver at white.

Pangatlo, ang pina­ka­mahalaga sa lahat upang hindi ka magka­roon ng frustration sa larawan ng pag-ibig, piliin mo ang mga la­laking isinilang sa zo­diac signs na Leo, Aries, Gemini at kapwa mo Sagittarius, higit lalo si­lang may mga birth date na 5, 14, 23, 9, 18, 27, 6, 15 at 24 — kapag gan­yang uri ng lalaki ang naka­tuluyan at napa­nga­sawa mo, tiyak ang maga­ganap, makara­ranas ka ng isang ma­ligaya at panghabam­buhay na pag-ibig.

Habang, ayon sa De­cadens ng Kapalaran, kung susundin mong mabuti ang mga sim­pleng rekomendasyong inilahad sa itaas, tiyak ang magaganap, bukod sa buwan ng Marso hang­gang Abril, Hulyo hanggang Agosto at Oktubre hanggang Dis­yembre, mapalad ka rin sa pagpasok ng su­sunod na mga taong 2019 at 2020.

Sa mga pa­nahong nabanggit, sa edad mong 31 hang­gang 32 pataas, isa-isa at kusa nang ma­tutupad ang iyong mga panga­rap hanggang sa tuluy-tuloy nang lumi­gaya at umunlad ang iyong ca­reer, pag-ibig at pag­pa­pamilya, habam­bu­hay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page