HOROSCOPE | DISYEMBRE 17, 2018 (Lunes)
- BULGAR

- Dec 17, 2018
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEMBRE 17, 2018 (Lunes): Dala-dala mo ang suwerte kahit saan ka magpunta, sa tao man o sa lugar na bahagi ng iyong buhay. Minsan, mahirap itong paniwalaan, pero ito ang katotohanan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakatutuwa kung paano ka susuwertehin. Sa maniwala ka o hindi, ito ay nagsasabing, kahit matigas ang iyong ulo, may mga suwerteng darapo sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-19-20-26-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Isuot mo ang iyong lumang paboritong damit nang sa gayun ay biyayaan ka ng bago at suwertehin ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-27-29-30-35.
GEMINI (May 21- June 20) - Marami ang naniniwala na sobrang bilis mong magpasya. Pero, magugulat ang iba dahil sa ipinakikita mong bilis sa pagpapasya ay binubuwenas ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-18-25-39-40-45.
CANCER (June 21- July 22) - Pigilan mo ang iyong pag-iyak. Kapag nagawa mo ito, hahanga sa iyo ang langit at magugulat ka dahil pagkakalooban ka Niya ng kaligayahang noon mo pa inaasam. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-27-28-33-36-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pansinin ang nagtatanong dahil sa totoo lang, alam na niya ang sagot. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-20-24-28-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumalas ka sa taong mahigpit ang kapit. Hindi maganda sa tao ang nasasakal na parang nakakadena at hindi makagalaw. Kalayaan ang tunay na susi sa wagas na kaligayahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-22-25-39-40-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang maganda sa paningin mo, ‘yun ang piliin mo. Ang mga hindi magaganda ay may malaking epekto sa isip at kapalaran ng tao. Ito ang hiwaga ng buhay sa mundo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-11-17-25-32-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdagan mo ang sikap at pagsisigasig mo. Ngayon ang tama at masuwerteng panahon sa pagpapatatag ng kinabukasan. Makaaasa ka na matatalo mo ang kahirapan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-19-21-27-28-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag pinansin mo ang mga kontrabida, aatras ang pagsulong ng iyong buhay dahil ang nahahawa sa hindi magagandang kapalaran ay ang pumapansin sa mga minamalas. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-10-18-22-25-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Patuloy ang pag-ulan ng mga naggagandahang bulalakaw sa kalangitan. Ito ay nagbabalita na sa buhay mo ay uulan din ng magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-21-27-31-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang masisilaw sa ningning ng masasayang kaganapan. May pagkakataong nabibihag ang tao sa kislap ng mga pangyayari at nakalilimutan niya ang kanyang kinabukasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-10-18-29-30-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang magpapasaya sa kapwa mo, ‘yun ang gawin mo. Hindi masasayang ang iyong pagsasakripisyo kung isasabuhay mo ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-21-28-32-39.




Comments