Digong, dadalo sa bonggang b-day party ni Pacquiao
- BULGAR

- Dec 17, 2018
- 1 min read

TULAD ng mga nakaraang taon, dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa 40th birthday celebration ni Senador Manny Pacquiao ngayong araw, Disyembre 17.
Sa isang panayam kay Aquiles Zonio, tagapagsalita ng senador, dumating na umano sa lungsod ang ilan sa advance party ng pangulo.
Nabatid na idaraos ang sinasabing bonggang birthday party ni Pacquiao sa isang mall sa lungsod kung saan inaasahang dadaluhan din ito ng ilang bigtime personalities mula sa politika at showbiz.
Magtatanghal naman ang ilan sa mga sikat na local band at ang Asia’s Got Talent champion na “El Gamma Penumbra”. Magpapa-raffle rin ng apat na kotse, 40 motorsiklo at 40 appliances. (BRT)





Comments