Chairman tiklo sa boga at mga bala
ORIENTAL MINDORO—Isang barangay chairman ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng baril at mga bala, kamakalawa sa Bgy. Maliwanag, Mansalay sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Chairman Henry Malicsi, residente sa nasabing barangay.
Nabatid na sa bisa ng search warrant ay sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Malicsi at dito nakumpiska ang isang baril at mga bala.
Nakapiit na si Malicsi na nahaharap sa kasong illegal possession of firearm and ammunitions.





Comments