top of page
Pokwang.jpg

Boto sa bagong lalaki, Alden… NANGYAYARI KINA MAINE AT ARJO, KINUMPIRMA NG MANAGER

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 17, 2018
2 min read

SA ginanap na pa-Christmas party at thanksgiving na rin sa selected entertainment writers, hindi naiwasang itanong kay Triple A at APT Films President Rams David ang isyu tungkol kina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Ayon kay Ateng Rams, naging open sa kanila si Maine sa pakikipag­kaibigan nito kay Arjo.

“Oo naman, we know naman at sinasabi naman nila na lumalabas,” sambit ng manager ni Maine.

“And if you want to get to know each other, meet someone, hindi ba maganda na nakakausap mo siya, nakakasama mo siya?

“Normal na tao and if magiging okay kayo, kilalanin mong mabuti ‘yung tao. Ang hirap naman na all of a sudden, sila.”

Dagdag pa niya, “Mas masarap ma­ging masaya for a person na masaya.”

Sabi pa ni Ateng Rams, wala namang nilalabag na rules si Maine sa pagiging Triple A contract artist, kaya okay lang talaga na makipagkaibigan ito kay Arjo kung saan nagkasama sila sa Jack Em Popoy: The PulisCredibles na pinagbibidahan nila nina Vic Sotto at Coco Martin.

Noong Sabado ay nagpunta ang tatlong bida ng pelikula sa Cebu at kahapon naman (Linggo) ay nasa Davao sila kasama ang ilan pang cast para sa promo ng movie na mapapanood na sa December 25.

Samantala, tuluy-tuloy pala ang paggawa ng album ni Maine under Universal Records na halos lahat ng songs ay iko-compose niya. Meron na siyang nai-record. Kasama rito ang dalawang cover songs.

Tungkol naman kay Alden Richards, patuloy silang mapapanood sa Eat… Bulaga! na nakalipat na sa mas malaki at magandang APT Studios, at mas okay ang kanilang samahan.

Hopefully, next year ay matuloy din ang kanilang naudlot na pelikula, na wish namin ay makapili ang kanilang management ng magandang story.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page