BLUE EAGLES CHAMPION AT 4 PANG TEAMS NG ATENEO, PINARANGALAN


ISANG malaking bonfire, fireworks at napapaligiran ng buong fans ang venue na sumisigaw ang lahat ng One Big Fight! na inaabangang finale sa muling pagpagaspas ng lipa ng Ateneo De Manila University Blue Eagles sa UAAP Season 81 championships noong hatinggabi ng Sabado.
Tampok ang sariwa pa sa kampeonato na Ateneo Blue Eagles nitong nagdaang finals laban sa UP Fighting Maroons, ang “Bonfire of Champions” ay ginawa bilang parangal sa apat na iba pang Ateneo teams na nagkampeon sa iba pang UAAP sports.
Sa kaagahan ng programa, ang mga miyembro ng Ateneo high school baseball, women’s fencing, women’s badminton, at Fast swimming teams ay tinawag paakyat ng entablado. Ang pinakamaingay na cheers ay inilaan para sa 16-member basketball squad na sinamahan ng kanilang coaching staff at managers. Bago ang programa, pinanood muna ng kabataan ang replay ng Season 81 championship match sa pagitan ng Blue Eagles at UP Fighting Maroons. Nagpaunlak ng indak si Finals MVP Thirdy Ravena dahil sa udyok ng program hosts at ng crowd. (ATD / MC)





Comments