TRAINER BUBOY, KINAPOS NG PAGHINGA SA ENSAYO NI PACMAN
- BULGAR

- Dec 16, 2018
- 1 min read

ILANG sandali na nahinto ang punch mitts nina WBA Welterweight Champion Manny Pacquiao dahil tinanggal mula ni Coach Buboy Fernandez ang suot na body foam at idinadaing niyang kinakapos siya nang paghinga sa kanilang training camp sa General Santos City.
Inihinto muna ni Buboy ang punching mitts kahit na nasa 3rd rounds pa lamang dahil sabi niya ay iniinda niya ang malalakas na suntok ni Manny sa kanyang katawan.
At dahil mainit na si Pacman sa kanyang training, pinilit niya ang kababatang si Buboy na ituloy ang mitts dahil malapit na raw ang laban niya kay Adrien Broner at dapat tapusin ang 12 rounds mitts.
Kahit na kinakapos sa paghinga si Buboy ay pinilit niyang sundin si Pacman at kahit hirap na hirap siya sa sakit ng mga suntok ni Pacman ay itinuloy niya ang training sa kanyang alaga. Pagkaraan ay nakitang pulang-pula ang katawan ni coach pati ang kanyang mukha dahil sa dumadapong upak ni Pacquiao.
Kamakalawa, nagsagawa ng 3 rounds footwork, boxing mitts, push-ups, shadow fights at calisthenics si Pacman. Kahapon ay tanghali na nakapag-jogging si Pacquiao sa Maasim Sarangani Province kasama ang buong team nito. (MC)





Comments