Sa wakas, nagsalita na… TONI, SINUGOD DAW SI SAM SA DRESSING ROOM DAHIL KAY ANNE
- Nitz Miralles
- Dec 16, 2018
- 1 min read

SA presscon ng MMFF entry na Mary, Marry Me kahapon, nasagot ang matagal nang itinatanong ng mga reporters at fans kung nagkaroon ba ng relasyon sina Toni Gonzaga at Sam Milby noong time na malakas ang tsismis sa kanila.
Si Sam ang sumagot ng… “Ako, I thought may MU kami, pero hanggang doon lang ang naging relationship namin,” na sinang-ayunan ni Toni.
Nilinaw din ni Toni at itinanggi ang matagal nang tsika na sumugod siya sa dressing room ni Sam dahil that time, naroon si Anne Curtis.
“Wala sa personality ko ang manugod. Walang nangyaring ganu’n. Mabait kami ni Sam,” paliwanag ni Toni at pati si Sam ay nagulat na may ganu’ng tsismis.
Ang cute lang na ibinuking ni Alex Gonzaga na nakyutan si Toni kay Sam nang pumasok sa PBB at ikinuwento ito sa kanya pag-uwi ng bahay. Pero hanggang doon lang ‘yun, dahil hanggang MU lang sila, naging magkaibigan at after 10 years, muling magtatambal sa Mary, Marry Me.
Sa direction ni RC delos Reyes, pinagsama sa pelikula ang family drama at rom-com at maganda ang kinalabasan. Malaking bagay na magagaling ang cast mula sa Gonzaga sisters na sina Toni at Alex, si Sam, at ang supporting na sina Bayani Agbayani, Moi Marcampo at Melai Cantiveros-Francisco.
First MMFF movie ni Toni ang Mary, Marry Me, first movie nila ni Alex at first attempt niya to produce a movie. Sa pelikulang ito, nabuhay ang TinCan Productions ni Toni na co-producer ng TEN17P Productions ni Direk Paul Soriano.





Comments