Pusher tiklo sa buy-bust
- BULGAR

- Dec 16, 2018
- 1 min read
NEGROS ORIENTAL—Isang drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Bagacay, Dumaguete City sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Crisologo Barredo, nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 15 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek. Nakapiit na si Barredo na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments