Listahan ng mga kandidato, ilalabas next week — COMELEC

BIGO ang Commission on Elections (Comelec) na mailabas kahapon, Disyembre 15, ang pinal na listahan ng mga kandidato para sa May 2019 midterm elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, posibleng sa susunod na linggo na lamang nila maisapubliko ang listahan ng mga kandidato.
Hindi pa naman tumukoy ng eksaktong petsa si Jimenez, ngunit, sinabing posibleng sa huling bahagi ng susunod na linggo ito maisagawa.
Paliwanag ni Jimenez, ang postponement ay upang maresolba pa nila ang ilang isyu na kinahaharap ng ilang kandidato na naghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa eleksiyon tulad ng disqualification cases at iba pa.
Tiniyak naman ni Jimenez na hindi makaaapekto sa schedule of activities ng Comelec para sa eleksiyon ang naturang postponement.





Comments