top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

BIG 3 COLLEGE STARS, SAANG KOPONAN SA PBA DRAFT?

Clyde Mariano / MC
Dec 16, 2018
2 min read

TATLONG superstars dalawa sa NCAA at ang isa sa UAAP tinaguriang “Big Three” ang mangunguna sa mga manlalaro na maglalahad ng kanilang credentials sa 2019 na PBA Rookie Draft ngayon sa Robinson’s Mall sa Manila.

Sina CJ Perez ng Lyceum of the Philippines Pirates at Robert Bolick ng NCAA champion San Beda Red Lions at si Filipino-American Bobby Ray Parks Jr. ng 2014 UAAP champion National University Bulldogs ang tat­long matunog na panga­lang pag-aagawan ng 12 teams.

Si Perez, 25, tinagu­riang “heart and soul” of Lyceum ay dinala ang Pirates sa dalawang sunod sa NCAA finals. Nabigo ang Intra­muros-based Pirates na natalo sa Red Lions ng San Beda. Inako ni Bolick ang liderato ng Red Lions na iniwan ni Filipino-American Davon Potts na kasalu­kuyang naglalaro sa Alaska Aces. Si Bolick ay maglalaro sa 2023 World Basketball.

Ang kaliweteng si Parks ay star player ng NU Bulldogs at naglaro sa amateur basketball league sa US. Si Parks ay anak ng yumaong 6 times Best Import Bobby Parks na isinilang sa Tennessee Hindi makadadalo si Parks sa drafting dahil nag­lalaro siya sa San Miguel Alab Pilipinas kontra CLS Knights ng Indonesia sa ASEAN Basketball League.

Unang kukuha ang Colum­bian Dyip sa pool of rookies bilang last sa team standings sa naka­raang Governor’s Cup sa kartadang 1-10 at ang ka isa-isang panalo kontra Rain or Shine, 100-84. Hindi alam at walang bali­ta kung sino ang kukunin ng Columbian Dyip sa tatlong top rookies. Kaila­ngang palakasin ng Car Makers ang kani­lang front line para makasabay sa mga kalaban.

Magkakaalaman din sa 47 aplikante sa PBA Draft kung sino sa kanila ang magkakaroon ng katu­paran ang pangarap na makapag­laro sa Professional League. Isa na rito si Al Joseph Be­nedict “Job” Cariaga na nagnanais na makapaglaro sa PBA. Shooting guard ang position ng purong Iligan City na may taas na 5’11.

Sa isinagawang Roo­kie Camp, sa unang araw ay nagpakita ito ng gilas kung saan sa Vertical leap ay pumangatlo ito. Nais ni Cariaga na sumunod sa yapak nina Alex Cabagnot at Chris Ross na pawang mga paborito niyang players ng San Miguel Beer.

Ngunit kung siya ang ma­susunod gusto nitong mapa­punta sa kampo ni coach Yeng Guiao. “I believe kasi if I play to NLEX Road Warriors I have a lot to learn to coach Guiao,” aniya.

Si Job Cariaga, ay nang­galing sa Calgary, Canada, 9-yrs old pa lang siya nang kunin siya ng kanyang mga magulang. Ayon kay Mom­my Mari­vic, du’n na ang kanilang buong p­a­milya nanirahan sa Cana­da pero purong Pinoy si Job at ang buong pamilya nila.

Umaasa ang pamilya ni Cariaga na mada-draft siya isa sa 12 team ng PBA dahil may ilalabas na laro ito, shooting, depensa opensa at reboun­der.

Ang mga naging teams niya sa PBA D-League, ang AMA Online education, Sharks at MLQU Victoria Sports. Tiyak na kikilatisin ng coaches at team owners ng 12 ang credentials ng mga kandidato bago kunin ang magagaling na rookies na lahat ay nagha­hangad na maka­paglaro sa PBA. Ang drafting ay pa­ngangasiwaan sa unang pagkakataon ni PBA Com­­missioner Willie Mar­cial.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page