top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bawal ang pasaway ngayong kapaskuhan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 16, 2018
1 min read

BAWAL ang patulug-tulog sa pansitan, lalo na ngayong kapaskuhan.

Ito ang paalala, lalo na sa ating kapulisan dahil nagkalat ang mga pasaway.

Mainam na aabot umano sa 8,000 pulis ang regular na magsasagawa ng pagpapatrulya sa mga lansangan ng Metro Manila.

Kabilang sa mga babantayan ay ang mga shopping mall, palengke at tiyangge na dinadagsa na ng mga mamimili.

Gayundin, ang mga Simbahan na nagsimula na rin ang Simbang Gabi.

Tiyak, sakit sa ulo na naman ang mga walang magawa sa buhay kundi ang manloko o gumawa ng gulo. Sila ang mga dapat tutukan.

Payo naman sa publiko, bukod sa simulan sa sarili ang pagiging responsable at disiplinado, mas maging mapag­matiyag din laban sa mga kriminal.

Tulungan natin ang kapulisan upang mas mabilis na maka­responde sa oras ng pangangailangan.

Sa totoo lang, walang ibang magtutulungan kundi tayo rin.

Gawin nating mapayapa ang pagdiriwang ng kapas­kuhan, bawal ang pasaway!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page