Balangiga Bells naibalik na | DIGONG, TODO-PURI SA U.S.

PINURI ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kagandahang-loob ng Estados Unidos sa pagbabalik ng tatlong Balangiga Bells matapos ang isang siglo na kinuha ng mga Amerikanong sundalo at nagsilbing war trophy noong Philippine-American war.
Sa kanyang talumpati sa ‘handover’ ng Balangiga Bells, iginiit ni Pangulong Duterte na ang pagkakabalik sa Balangiga Bells ay isang milestone sa makabuluhang kasaysayan at ugnayan ng Amerika at Pilipinas.
Sinabi ni P-Duterte na hudyat ito ng panibago at mas buhay na bilateral relations sa pagitan ng U.S. at Pilipinas.
Ayon pa kay Pangulong Duterte, walang ibang aangkin ng ‘credit’ sa pagkakabalik ng mga kampana kundi ang lahat ng mga Pilipino at ng mga Amerikano.
“The bells are returned and it was really because of the fervent prayers of the entire Filipino nation,” ani P-Duterte.
“Nobody but nobody can claim a singular credit for the generous act of the Americans. The bells are returned. The credit goes to the American people and to the Filipino people, period,” ani P-Duterte.
Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na tunay na maipagmamalaki ang makasaysayang araw na ito at tiyak nitong kaisa sa pagdiriwang ang ating mga ninuno.
Idinagdag pa ni Pangulong Duterte na ang makabuluhang tagumpay na ito ay hindi lamang nagpapanumbalik sa dangal ng bayan ng Balangiga kundi ambag sa ganap na pagbabalik sa ating dignidad bilang mga Pilipino.





Comments