top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Anak ni faeldon negatibo sa drug test

Jeff Tumbado
Dec 16, 2018
1 min read

NEGATIBO ang resulta sa isinagawang drug test ng pulisya sa anak ni Bureau of Correction Director Nicanor Faeldon, Sr. na si Nicanor, Jr.

Base sa report na inilabas ng Naga City police, kanilang isinalang sa drug test ang nakababatang Faeldon kasunod ng pagkakahuli sa kanya sa nangyaring anti-drug operation sa bahay ng high value target na si Ruselle Lanuzo alyas Bubbles, kilalang drug personality sa Naga City.

Si Lanuzo ay ama ng live-in partner ni Faeldon na si Zandra Mae.

Sa nasabing pagsalakay, nakakumpiska ang mga awtoridad ng pitong sachets ng shabu at isang cal. 22 na baril.

Inaresto rin ang mga tao sa loob ng bahay na sina Allan Valdez at Manuel Nebres.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Nicanor, Jr. na hindi siya gumagamit o nagbebenta ng droga at nagkataon lamang na nandu’n siya sa bahay ng kanyang kinakasama nang gawin ang raid.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page