‘Junior’ ni Faeldon, kinasuhan lang ng ‘visiting drug den’, nagnegatibo pa sa drug test, eh, di wow!

BOLADAS LANG ANG STATEMENT NI NICANOR FAELDON, SR. NA MAGLI-LEAVE SIYA SA PUWESTO—Matapos matimbog sa drug raid ang anak niyang si Nicanor Faeldon, Jr., sinabi ni BuCor Director Nicanor Faeldon, Sr. na handa raw siyang mag-leave of absence sa kanyang posisyon.
Boladas lang ni Faeldon, Sr. ang sinabi niyang ‘yan kasi kung gusto niyang palabasin sa publiko na may delicadeza siya kaya nais niyang mag-leave dapat ay hindi na siya tumanggap ng anumang posisyon sa gobyerno matapos na siya at ang “Davao Group” ay masangkot noon sa P6.4 billion shabu smuggling sa Bureau of Customs, period!
◘◘◘
WALA RAW WHITEWASH SA KASO NG ANAK NI NICANOR FAELDON, SR., PERO ANG IKINASO LANG SA KANYA AY ‘VISITING DRUG DEN’ AT NEGATIVE PA RAW ITO SA DRUG TEST— Ilang oras matapos sabihin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang magaganap na whitewash o cover-up sa pagkakahuli kay Faeldon, Jr., isinapubliko ni PNP Spokesman C/Supt, Benigno Durana na bailable na kasong “visiting drug den” lang ang puwedeng isampa sa anak ni Faeldon, Sr.
Hindi lang ‘yan kasi makalipas ang isang araw, inilabas ni Naga City Police Station Commander Sr. Supt. Felix Servita, Jr. na sa apat na natimbog sa drug raid, ang tatlo ay positibo sa drug test at tanging anak lang ni Faeldon, Sr. ang negatibo sa drug test.
‘Yan ang resulta sa sinabi ni Panelo na walang cover-up sa kaso ng anak ni Faeldon, Sr., boom!
◘◘◘
HATE RAW NI P-DUTERTE ANG DRUGS AT CORRUPTION, PERO ‘NGANGA’ KINA FAELDON AT DIOKNO — Nang masangkot sa P6.4 billion shabu smuggling si Faeldon, Sr., hiniling ng Kongreso kay P-Duterte na sibakin ito sa Bureau of Customs, pero ang ginawa ng pangulo ay inalis lang ito sa Adwana at inilipat sa Office of Civil Defense (OCD) at saka ginawang boss ng Bureau of Correction (BuCor).
Nang mabisto ng mga kongresista ang P75 bilyong “palusot” ni Budget Sec. Benjamin Diokno sa 2019 National Budget ay hinirit ng Kongreso kay P-Duterte na sibakin ito, pero dinedma lang sila ng pangulo.
‘Yan ba ang sinasabi ni P-Duterte na hate niya ang drugs at corruption? Pwe!
◘◘◘
CHINESE PAPUTOK NI ‘MR. CHENG’, BAKA MAY PALAMANG SHABU?—Wala na raw sitahan sa smuggled Chinese firecrackers na ipinapasok sa BOC ni alyas Mr. Cheng.
Aba, dapat suriin ng mga taga-Customs ang mga ipinapasok na Chinese paputok ni Cheng kasi baka may palaman itong shabu, lalo na at galing ‘yan ng China? Period!





Comments