top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Trainee na pinag-iinitan sa trabaho

  • ROMA AMOR
  • Dec 15, 2018
  • 1 min read

Dear Roma,

Ako si Andrea, 25 years old at kasalu­ku­yang nagte-training bi­lang manager ng resto­ran. Okay naman ang trabaho ko at ang mga boss ko, kaya lang may problema ako sa mga katrabaho ko. Ma­dalas kong napapansin na pinag-iinitan nila ako. Wala naman akong ma­tandaan na nagawang mali sa kanila dahil ma­dalas akong naka-focus sa trabaho. Kapag may maling nangyayari sa store, ako ang sinisisi nila kahit hindi na sakop ng job description ko ang area na ‘yun. Na­kikisama naman ako sa kanila, pero hindi ko ta­laga ma-gets kung bakit nila ginagawa ‘yun sa akin. Roma, ano ang dapat kong gawin? Ma­raming salamat! — An­drea

Andrea,

Hindi na bago ang mapag-initan sa kahit na anong industriya, ngunit, maipapayo namin sa’yo na ipagpatuloy mo pa ang pagpo-focus mo sa iyong trabaho nang sa ga­yun ay mawala sa isipan mo ang mga katra­baho mo na nanggugulo sa‘yo. Tandaan mo, ka­pag may humihila sa‘yo pababa, ibig sabihin, nasa itaas ka. Huwag mo nang bigyang-pansin ang mga taong walang naidudulot na maganda sa iyong buhay. Kaya muli, mag-focus ka sa iyong trabaho. Good luck sa‘yo!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page