Tagaluto ng shabu | 4 CHINESE, HABAMBUHAY KULONG
HINATULAN ng habambuhay na pagkabilanggo ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) ang apat na Chinese nationals na sangkot sa nadiskubreng floating shabu laboratory sa Subic.
Base sa desisyon ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 74, guilty ang hatol sa apat na suspects na sina Win Fai Lo, Shu Fook Leung, Kam Wah Kwok at Kwok Tung Chan.
Pinagmumulta rin ng korte ang mga akusado ng tig-P5 milyon para sa civil liability.
Gayunman, ibinasura ng korte ang kasong manufacture of illegal drugs laban sa mga suspek.
Ang apat ay nahuli noong July 2016 ng PNP-Anti Illegal Drugs Unit, Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Immigration (BI) at Bureau of Customs (BoC) sa isang foreign cargo vessel hindi kalayuan sa baybayin ng Subic Bay.
Narekober sa mismong barko ang 470 grams ng shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P2 milyon.
Narekober din ang hydrogenator na kagamitan sa paggawa ng iligal na droga.





Comments