top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Solusyon sa 3.6 milyong bansot at 800,000 malnourished na mga bata, aprub!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 15, 2018
  • 2 min read

SADYANG napakagandang balita ang pagsasabatas sa First 1,000 Days Bill para sa mga magulang, lalung-lalo na sa mga bago pa lamang o kaya ‘yung mga expecting pa lamang.

Ang batas na ito ay naglalayong bigyan ng sapat na serbisyong pang­kalusugan at nutrisyon ang mga bata sa loob ng unang 1,000 araw ng kani­lang buhay.

Sa tulong ng RA 11148, masisiguro nating nasa magandang kalagayan ang bawat bata anuman ang estado ng buhay ng kanilang mga magulang.

Hindi biro ang magpalaki ng anak ngayong panahong ito, nagtataasan ang presyo ng mga bilihin kaya maitu­turing na­ting mga nanay at tatay na maagang pamasko ito.

Mahalagang siguruhin ang maayos na kalusugan at nutrisyon ng bata sa unang 1,000 araw ng kanyang buhay dahil ito ang nagdidikta ng kondisyon ng kanyang pangangatawan at isipan sa hinaharap.

Ang nakalulungkot, sa pagtataya ng grupong Save the Children ay nasa 3.6 milyong bata ang nababansot at 800,000 ang malnourished sa ating bansa.

May epekto ang populasyon kung saan marami sa kabataan ay stunted ang growth at malnourished at ito ay pinatunayan na sa mga pananalik­sik.

Ayon sa Save the Children, nasa tat­long porsiyento ng ating Gross Do­mestic Product (GDP) ang nawala sa ekonomiya noong 2013 dahil dito.

Gayundin, isasama ang health costs hanggang 1.6 percent ang dagdag na kawalan nito sa ekonomiya.

Hindi mahirap intindihin ang datos na ito dahil it makes sense kapag si­nabi nating mahina ang katawan ng bata marahil, mahihirapan siyang ma-realize ang kanyang potensiyal sa buhay.

Habang napakarami sa ating mga kababayan ang nagagawang umahon sa hirap ng buhay, sa palagay natin, lalo na bilang ina kung kaya nating tumulong ay dapat hindi na danasin ng sinumang bata ang buhay na puno ng pasakit at gutom.

Sa tulong ng First 1,000 Days Law, tutugunan ng pamahalaan ang kaku­langan sa sapat at masustansiyang pagkain para sa baby at kanyang ina.

Marahil, ang success ng batas na ito ang magiging wakas ng pagkaban­sot at malnourished ng ating ekono­miya — dahil ang kabataan ay susi sa lahat ng ito.

Alagaan natin ang kabataan upang magkaroon ng magandang bukas ang ating bayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page