Para sa mga shy type kuno riyan, read n‘yo ‘to, dali! MGA DAPAT GAWIN TUWING CHRISTMAS PARTY, ALAMIN
- BULGAR

- Dec 15, 2018
- 2 min read

PASKO na naman, oh, kay tulin ng araw, akalain n’yo ‘yun, 10 days na lang ang hihintayin natin! He-he-he! Bagama’t, marami ang excited sa ‘ika nga, isa sa mga pinakahihintay na araw sa buong taon. Ang panahon na uso ang pangangaroling, masasarap na pagkain at masasayang gawain. Siyempre, hindi mawawala ang social events — Christmas Party! Gayunman, ito ay hindi para sa lahat, lalo na sa mga mahiyain at hindi gaanong sanay sa katuwaan na dulot ng party-party. Pero, fear no more, beshie, dahil narito ang ilang tips na maaaring gawin para ma-overcome natin ang pagiging mahiyain:
1. LEAVE IT WITH A SMILE. Oops, huwag kang maging isnabera o isnabero sa party, dapat civil pa rin kapag binati tayo ng mga kamag-anak o kakilala natin na hindi natin ganu’n ka-close, puwedeng ngitian na lang natin sila, beshie, para iwas-awkward at hindi tayo ma-misinterpret na masungit. Ha-ha-ha!
2. JUST GO WITH THE FLOW. Siyempre, sa gatherings hindi maiiwasang ipakilala tayo sa workmates ng kaibigan natin, kumare ni nanay at iba pa. Kahit super nakaiilang, i-try pa rin nating kausapin sila.
Maaaring small talk pa ‘yan o mahaba-habang usapan, malay natin, may mga bagay tayong matutunan mula sa kanila. Oks ‘yun para unti-unti nating ma-overcome ang pagiging mahiyain push lang!
3. FAKE IT, UNTIL YOU MAKE IT. Kung tumatawa sila dahil sa mga kuwelang nagpe-perform, makitawa lang din tayo. Tandaan, hindi natin kailangang maging bangka, makisakay lang tayo sa ginagawa ng iba hanggang sa matapos ang kailangang matapos. At least, hindi tayo masasabihan ng “kill joy”, fake pa more!
4. FOOD IS ALWAYS A GOOD IDEA. Siyempre, kani-kanyang awrahan na ang mga ‘yan sa pagtagal ng programa. Sigurado, imposibleng mapagtuunan pa nila tayo ng pansin.
Balik lang nang balik sa puwesto ng mga pagkain. Sulitin natin ang ambag at magpakabusog tayo, beshie, dahil minsan lang ‘to! Food is life, 'di ba?
5. FEEL THE SPIRIT OF FUN. Kahit anong tanggi pa ang gawin natin huwag lang makasali sa games, mayroon pa ring bida-bidang hahatak sa atin para lang makasali tayo. Kapag ganu’n, eh, go na lang tayo at isipin na lang natin na parte talaga ito ng pakikisama.
Isa pa, ilang oras lang natin itong gagawin at saka sa ngalan na rin ng prize na puwede nating mapanalunan, kaloka!
Parte na talaga ng buhay ang pakikisama, trip man natin ang sitwasyon o hindi, keber lang dahil experience rin ‘yan.
Hindi rin porke mahiyain tayo ay ikakahon na lang natin ang ating sarili. Sabi nga, walang naggo-grow sa comfort zone, kaya kailangan nating mag-adjust.
Gets mo?





Comments