top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mas tanggap na leading man ng misis mo, Ryan… PIOLO-JUDAY SERYE, IPINU-PUSH NG FANS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 15, 2018
  • 1 min read

MAY kilig pa rin sa mga fans ang tambalang Judy Ann Santos at Piolo Pascual. Nagkita lang sila recently sa isang hotel ay tuwang-tuwa na at kinikilig ang kanilang mga fans and supporters. Humihiling na agad ng reunion movie ang mga dating nagmamahal kina Juday at Papa P..

Kung sina Richard Gomez at Sharon Cuneta ay natupad na ang reunion movie, posible rin na pagtambaling muli sina Judy Ann at Piolo. Kung hindi puwede sa pelikula, pupuwede naman kahit sa teleserye.

Hindi nawawalan ng pag-asa ang mga tagahanga nina Juday at Piolo at naghihintay pa rin sa muling pagtatambal ng kani­lang mga idolo. May chemistry pa rin sila sa isa’t isa at si Piolo ang mas tinang­gap ng publiko bilang leading man ni Judy Ann.

Ang nakakatuwa, kahit kasal na ngayon si Juday kay Ryan Agoncillo, nanatili silang good friends ni Piolo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page