top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Malinaw ayon sa palad... SEAMAN NA NAKATAKDANG SUWERTEHIN AT MAGKAROON NG MAUNLAD NA BUHAY

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2018
2 min read

KATANUNGAN

  1. Dati na akong seaman, pero hindi ako nakata­pos ng kontrata dahil napaaway ako sa barko at napauwi. Sa ngayon ay muli akong nag-a-apply para makapagbarko sa ibang shipping company.

  2. Nais kong malaman, Maestro, kung matutu­loy kaya ako sa susunod na taong 2019 at kung sakaling matuloy ako, may maganda na kayang mangyayari sa akin sa barko at hindi na ako muling mapapaaway?

  3. Sa ngayon ay may asawa na ako at isang anak at nangungupahan lang kami, may pag-asa rin kaya na matupad namin ang aming panga­rap na magka­roon ng sariling bahay at lupa? April 10, 1988 ang birthday ko.

KASAGUTAN

  1. Ang zodiac sign mong Aries ang nagsasabing, mahilig kang maki­pagtalo sa walang kabuluhang dis­kus­yon kaya ka na­­papaaway na ma­dali namang pi­natu­nayan ng lagda mong kinakitaan ng matu­tulis na mga letra. Ibig sabihin, dapat mo nang baguhin nang bahagya ang iyong lagda upang sa susunod na pag-a-abroad ay hindi ka na muling mapaaway.

  2. Magagawa mo ito kung bibilugin mo ang letrang “a” sa halip na tatsulok sa iyong lagda. Sa ganyang bahagyang pag­babago ng pirma, gagawing small letter na bilog ang letrang “a”, mababawasan ang iyong libido o unconscious drive na makipagtalo at maki­pagdebate sa mga wala namang kabuluhang bagay.

  3. Kapansin-pansing agad namang luminaw, lalong humaba at gumanda ang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa panahon ngayong medyo nagkakaedad ka na at nagma-matured, tiyak na ang magaganap, kung noong nakaraang pag-a-abroad mo ay medyo pumalpak dahil nga napauwi ka, sa panahong ito ng iyong buhay sa edad mong 30 pataas, mas magiging pro­duktibo at masagana na ang iyong magiging kapalaran sa larangan ng career at pangingibang-bansa na madali namang pinatunayan ng gumanda at naayos ding lagda na nag­tapos sa isang tuwid o straight line na guhit. Ibig sabihin, habang nagkakaedad ka at tumatanda, paganda rin nang paganda ang iyong kapalaran lalo na sa career at sa aspetong pangka­buhayan.

DAPAT GAWIN

Ariel, ayon sa iyong mga datos, tiyak na ang ma­gaganap sa susunod na taong 2019 sa buwan ng Marso o kaya ay Abril, pinakamatagal na sa buwan ng Hulyo o kaya ay Agos­to, sa ikalawang pagkakataon, may mas produktibo at mabungang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran at ang pag-a-abroad na ito ay siya nang magiging simula upang ang iyong tadhana sa larangan ng materyal na bagay at sa aspetong pagkakaperahan ay tuluy-tuloy nang umaseno at lalo pang lumago hanggang sa kusa nang matupad ang panga­rap ninyong mag-asawa na makapagpundar ng sariling bahay at lupa (Drawing A at B. H-H arrow b.) na nakatakdang maganap sa taong 2023, sa edad mong 35 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page