Magsasaka at mangingisda, isama sa 4ps

DAPAT bigyan ng pagkakakitaan ang mga magsasaka at mangingisda sa pagpapalawak ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ito ang isinusulong ni Gov. Imee Marcos sa kanyang rekomendasyon na isali sa listahan ng benepisaryo sa 4Ps ang mga magsasaka at mangingisda.
“Many of our farmers and fisherfolk are not included in the barangay lists of Pantawid Pamilyang Pilipino Program recipients even if they are the poorest of the poor because they reside in far flung communities hardly reached by welfare programs and are rarely visited by government social workers,” ani Marcos.
Isang sistema ang 4Ps sa pagpapaangat ng buhay ng ordinaryong mamamayan sa pagkakaloob ng conditional cash grants sa pinakamahihirap na mamamayan.
Hinango ito sa programa ng mga bansa sa Latin America at Africa na nagpagaan sa buhay ng mga nagdarahop sa buong mundo.
Samantala, iminungkahi ng opisyal ang programang “Pantawid Kita” na espesipikong aayuda sa mga magsasaka at mangingisda sa bawat distrito at tatanggap ng buwanang kita katumbas din ng ipinagkakaloob sa regular na 4Ps beneficiaries. (BRT)





Comments