top of page
WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla.jpg

Kaya make sure na mayroon kayo nito ngayong Pasko... KESO DE BOLA, GOOD SA HEALTH!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 15, 2018
  • 2 min read

TIYAK na marami na namang keso de bola sa inyong lamesa ngayong Pasko, mga lodi! Pero, knows ba ninyo kung ano ang maidudulot ng pagkain nito sa ating kalusugan? Kung hindi pa, dapat n’yo na itong malaman!

Ayon sa mga eksperto, ang keso ay ginawa 4,000 taon na ang nakararaan, ito ay nakukuha sa gatas ng baka at iba pang mammal sa pamamagitan ng pasteurization.

Gayunman, iba‘t iba ang klase ng keso sa buong mundo. Sa katunayan, nasa 400 klase sila kung saan may regular na keso, ‘yung nabibili natin sa mga tindahan, blue cheese, par­mesan cheese, cheddar cheese, keso de bola at marami pang iba.

Samantala, ngayong Pasko, tiyak na ang bida sa hapag-ka­inan ninyo ay ang ke­so de bola.

Ang keso de bola ay ma­yaman sa Vitamin B12, pro­tein, calcium at phos­phorus at kaya ito na­ging epek­tibong panlaban sa diabetes, eh, dahil sa protinang tinataglay nito, dapat ka­sing kainin ng mga taong dia­betic ay ‘yung mga pagkaing mayaman sa protina at isa na rito ang keso.

Dagdag pa rito, ang keso ay may mataas na saturated fat, pero ang keso de bola ay may mas mababa na bilang ng taba na aabot lamang sa 28 porsiyento.

Bagama’t, mababa ito, ipinapayo pa rin ng mga eksperto na huwag kumonsumo ng keso de bola na tataas ng 100 grams o 2 hanggang 3 slices nang sa gayun ay hindi ito ang maging dahilan ng pagtaas ng inyong timbang.

Kaya kung medyo cons­cious kayo sa inyong tim­bang, mainam kung keso de bola ang kakainin n’yo kum­para sa ibang uri ng keso.

Kaya para sa mga dia­betic diyan, alam n’yo na, ha? Gayundin, palagi nating tatandaan na oks lang ma­ging cheesy, ‘wag lang ma­ging korni. Hi-hi-hi!

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page