Gobyerno para makatipid | MAMAHALING SERVICE VEHICLES, BAWAL NA — DUTERTE

IPINAGBAWAL na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga tanggapan ng gobyerno ang pagbili ng mga mamahaling sasakyan bilang service vehicles.
Nakapaloob ito sa Administrative Order No. 14 na pinirmahan ni Pangulong Duterte noong December 10, 2018 na nagtatakda ng centralized procurement system para makatipid sa mga gastos ng gobyerno.
Hindi na papayagan ang luxury vehicles tulad ng Asian Utility Vehicles (AUVs), cross-over utility vehicles (CUVs) at multi-purpose vehicles (MPVs) na gumagamit ng gasolina at krudong ang makina ay lampas sa four cylinders.
Kasama rin sa ipinagbabawal ang Sports Utility Vehicles (SUVs) na lampas sa 27000cc ang gamit na gasolina.
Gayunman, hindi kasali sa mga ipinagbabawal ang mga sasakyang gamit ng presidente at bise, mga donasyong sasakyan sa gobyerno at mga ginagamit para sa mga bumibisitang foreign dignitaries at lahat ng nabili na mula sa pondo ng kasalukuyang official development assistance programs.





Comments