GF mo, Luis, ang taray! JESSY SA MGA NAGPAPAPIKTYUR NA FANS: 'WAG N'YO KONG HAWAKAN!
- BULGAR

- Dec 15, 2018
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MAY paalala naman ang aktres na si Jessy Mendiola sa kanyang mga male fans na huwag siyang basta-basta hawakan kapag magpapa-picture.
Kamakailan ay nag-post ng story ang aktres sa kanyang Instagram account ng paalala para sa mga lalaking fans na gustong magpa-picture sa kanya.
Aniya, “Hello male friends. Next time you ask for a picture, please do not touch my waist without my permission. It’s inappropriate.”
Sa guesting niya sa Tonight with Boy Abunda nitong Huwebes (December 13), ikinuwento ng aktres kay Tito Boy ang pinaghugutan ng kanyang post.
Aniya, habang nasa restaurant siya ay may isang fan na lumapit para magpa-picture. Hindi naman nakatanggi ang aktres at pumayag sa request.
Napansin daw niya na biglang hinawakan ng fan ang kanyang bewang.
“Biglang hinawakan niya ‘yung waist ko… Medyo malapit na sa mababang [bahagi ng likod],” kuwento ni Jessy.
Ayon kay Jessy, hindi siya komportable sa ginawa ng fan kaya sinita niya ito at sinabihang, “‘Sorry, huwag kang humawak,’ kasi pababa nang pababa, eh.”





Comments