top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bukod sa takaw-disgrasya at aksidente | Pangangaroling, labag sa batas?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2018
1 min read

“THANK you, thank you ang babait ninyo, thank you!”, isa lang ito sa ma­dalas na kinakanta ng mga bata kapag nakatanggap sila ng aginaldo sa pa­mamagitan ng pangangaroling.

Kaya lang, kasunod ng utos ni NCRPO Chief General Guillermo Elea­zar na paigtingin ang Mendicancy Law o ang pagbabawal sa mga nama­malimos at nagbibigay ng limos sa kalsada, karamihan sa kanila ay su­magot ng “bakit masama bang ma­masko?” kaya ipinaliwanag sa kanila ang ipinagkaiba nito at kung ano ang dapat nilang maintindihan.

Gayunman, ayon sa mga eksperto, kung ang pamamasko o panga­nga­roling ay sapilitan at may koneksi­yon sa mga sindikato, tiyak na lumalabag ito sa mga batas ng Mendicancy Law, Solicitation Law at Child Labor.

Samantala, dahil sa balitang labag sa batas ang pangangaroling, mara­ming mamamayan ang nagpahatid ng kani-kanilang saloobin.

Buwelta ng karamihan, kung ang pangangaroling ng kabataan ay hi­higpitan o pagbabawalan, kulang na ang esensiya ng Pasko para sa ating mga Pinoy.

Sa katunayan, parte na ng ating tradisyon ang pamamasko sa pama­magitan ng pangangaroling, baga­ma’t, may perang pinag-uusapan dito, iba pa rin ang saya na kasama ang mga kaibigan na magbahay-bahay at kumanta ng iba’t ibang Christmas songs.

Samantala, mahigpit nating ipina­aalala sa lahat na upang maiwasan ang disgrasya sa pangangaroling, ma­inam kung gagabayan at sasa­ma­han natin ang mga bata sa kanilang paglalakbay nang sa gayun ay hindi sila mapahamak ngayong kapasku­han.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page