300% dagdag-pensiyon sa mga beterano ng giyera, ayos!

GOOD news sa mga beterano ng World War II at Korean at Vietnam Wars!
Inaasahaang simula sa susunod na taon, 300 porsiyento ang itataas sa kanilang buwanang pensiyon.
Mahigit 6,000 beterano na kasalukuyang tumatanggap ng P5, 000 ay magiging P20, 000 na ang monthly old age pension.
Hinihintay na lang ang pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing resolusyon na naipadala na sa Palasyo noong Nobyembre 26.
Kaugnay nito, mangangailangan ang AFP ng karagdagang P887.94 milyon pondo para rito.
Minabuti nang maging batas ang nasabing karagdagang pensiyon para hindi na ito basta mabago ng mga susunod na pangulo.
Sa totoo lang, kung may sapat namang budget ang gobyerno, ibigay na ang nararapat na suporta sa mga karapat-dapat na makatanggap. Silang mga nagbuwis ng buhay at may napakahalagang naiambag sa bayan.
Maiintindihan ng taumbayan kung mapupunta ang buwis na binabayaran sa tama at hindi ‘yung sa bulsa ng mga kawatan.





Comments