Walang working visa | 69 CHINESE AT KOREANS, HULI

PINAGDADAMPOT ng Bureau of Immigration (BI) ang nasa 69 foreign nationals na iligal na nagtatrabaho sa bansa.
Ito ay makaraang matuklasan na nagtatrabaho ang mga dayuhan nang walang karampatang working visas.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kabilang sa dinakip ang 45 Chinese at 24 Koreans.
Ang mga ito ay iligal na nagtatrabaho sa Dongwang Clark Corporation at Clark Sunvalley Country Club sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.
Isinagawa ng BI ang operasyon katuwang ang mga tauhan ng Clark Development Corporation.





Comments