VALDEZ AT RAVENA SA BVR ON TOUR YEAREND


MAGSISILBING selebrasyon para sa isang matagumpay na taon para sa Beach Volleyball Republic (BVR) ang kanilang espesyal na “BVR On Tour December Open 2018” na torneo na gaganapin sa SM Sands By The Bay simula Biyernes (Dis. 14) hanggang Linggo (Dis. 16) tampok ang ilan sa pinakamagaling sa beach volleyball sa bansa. Bibida para sa Women’s Division sina Fille Cainglet at Kyla Atienza ng Creamline, Jonah Sabete at Cienne Cruz ng PetroGazz, Bea Tan at Dzi Gervacio ng BanKo Perlas 1, at Gen Eslapor at Babylove Barbon ng UST-Maynilad 1, Derie Virtusio at Mary Joelene Ebro ng UST-Maynilad 2, Roma Joy Doromal at Kly Orillaneda ng NU-Boysen, Mary Ann Pantino at Jossa Cabalsa ng PAF 1, Khaa Andres at Angel Antepuesto ng PAF 2, Jonna Mae Delima at Arjean Dumlao ng RTU at Kathy Bersola at Mary Antonette Landicho ng Malaya Business Insight.
Mangunguna sa men’s division sina Ranran Abdilla at Jesse Lopez ng Air Force, Edward Camposano at James Buytrago ng NU-Boysen, Fauzi Ismail at Edward Bonono ng Cignal HD 1, pati ang pares nina “Doc Volleyball” AJ Pareja at Greg Utupo ng PLDT 2 para sa men’s division. Kukumpleto sa mga kalahok sina Joshua Barrica at Jason Uy ng Army, Karl Baysa at Josh Villanueva ng Cignal HD 2, Anthony Arbasto at KR Guzman ng Tiger Winx, Rancel Varga at Efraem Dimaculangan ng UST-Maynilad, Philip Bagalay at Brian Tan ng Fury Ritemed, Edwin Tolentino at Ricci Gonzales ng Malaya Business Insight, Henry Pecana at Mark Alfafara ng PLDT 1, at Mike Shavrak at Mike Abria ng Wildcard. Lalaro sina Alyssa Valdez at Kiefer Ravena. (MC/VA)





Comments