top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PARKS, READY AT EXCITED SA PBA GAME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 14, 2018
  • 1 min read

TAPOS na ang matagal na paghi­hin­tay at para kay Bobby Ray Parks, alam niya sa kanyang sarili na sasampa rin siya kalaunan sa PBA league.

Inaasahan na ang 25-anyos na Fil-Am ay makapapasok sa top 2 ng 2018 PBA Rookie Draft sa Linggo at hindi na kuwes­tiyunable pa kung anuman ang maibibigay ng second-generation PBA star sa kanyang team.

“Throughout the years, I’ve been preparing playing in professional leagues and I think I’m fit in naman. I’m excited to see where I’m going, excited to see which team wants me, and excited to play at this level,” aniya.

Si Parks ay hindi lang isang ordinaryong neophyte. Ang anak ng 7-time PBA Best Import ay naglaan talaga ng mahabang panahon para mahubog ang kanyang galing sa paglalaro.

Mula sa National University, hanggang sa NBA G-League at Gilas Pilipinas habang nitong huli ay ang paglalaro sa San Miguel Alab Pilipinas sa Asean Basketball League.

Sa mga larangang iyon, hinubog ang kanyang galing at husay kaya naging MVP siya at naikum­para na rin siya sa iba pang aspirants sa pool.

“I’m excited. It’s different milestone, for sure and this gonna be interesting.” (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page