PAPA LOVES MAMBO, PALOS AT PLAY IT SAFE
- Green Lantern
- Dec 14, 2018
- 2 min read

MAGANDANG araw ng Biyernes sa atin mga suking “Bayang Karerista” sa pagpapatuloy ng laban sa Manila Jockey Club Inc. sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite na naging maliyamado ang karera.
Sa panimula ng karera kung saan mag-uumpisa ang Winner-Take- All (WTA) mula sa Race 1 hanggang Race 7 ay inaasahan na magiging mahirap para sa ating mga Bayang Karerista ang pumili ng kalahok.
Sa Race 1, tatlong kalahok ang pinapaboran na maglalaban-laban gaya ng My Lady Consa, Boom Boom Thailer/Apon Moon at Moon Laser. Sa panimula ng Pick 6 event sa Race 2, pahirapan din ang pagpili sa mga kalahok gaya ng Rocking Hill, If Your Honor Please/Radian Talisman, Gonzee’s Song Daang Bakal, Yes Kitty at Yssa’s Will.
Nakalalamang ang Hayaku Jabes sa Race 3 at posibleng talunin ng Gee’s Jewel at isama ang Fly Like An Eagle sa mga pipiliin sa Pick 5 at Trifecta. Maglalaban ang Tenseventeen at Play It Safe sa Race 4, habang binibigyan ng panalo ang Papa loves Mambo/Palos ng entry ng N.O Morales stable.
Sa Race 5 nakalalamang ang entry ng Ten Ten Forty at magbibigay ng magandang laban ang Undercover at Nicole’s Pet. Pinapaboran din ang entry ng J K P Nieto Stable ang Double Rock at makakalaban ang Musikera, Lirpa’s Choice at Doña Susan.
Magiging paratingan sa Race 7 para sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4 ang Surplus Princess, Shinshiro, Super Spicy, Gee’s Prize at Jade’s treasure. Tip Mang Ding: Race 1- Moon Laser(2) at Lady Consa Race 2 - Yssa’s Will (6) Entry no.2, Yes Kitty (5) Race 3- Hayaku Jabez (5) Gee’s Jewel (2) Race 4- Play It Safe(7) Tenseventeen(3)Entry no 1 Race 5- TenTen Forty (4) Undercover(6) Race 6- Double Rock (6) Dona Susan (3) Lirpa’sChoice(2) Race 7- Surplus Princess (4) Gee’s Prize(1)
WTA(1-7) 2-3-6/2-5-6/2-5/1-7/4/2-3-6/4-2
Pick 6 (2-7)2-5-6/2-5/1-7/4/2-3-6/4-2
Pick 5 (3-7) 2-5/1-7/4/2-3-6/4-2
Pick 4 (4-7) 1-7/4/2-3-6/4-2





Comments