Karnaper todas sa shootout
Pabs Hernandez III
Dec 14, 2018
1 min read
BATANGAS—Isang karnaper ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa bayan ng Sta. Teresita sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si alyas Billy, notoryus umanong karnaper sa nasabing lalawigan.
Nabatid na darakpin sana ng pulisya si “Billy”, pero bigla nitong binunot ang kanyang baril at pinaputukan ang mga awtoridad.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments