Digital thermometer, delikado — FDA

IBINABALA ng Food and Drug Administration (FDA) sa publiko ang pagbili at paggamit ng isang brand ng digital thermometer.
Sa inilabas na abiso ng FDA, ang Family Care Digital Thermometer ay hindi rehistrado sa kanila at maaaring makaapekto ito sa kalusugan ng tao.
Sa isinagawang post-marketing surveillance ng kawanihan, natuklasang hindi sumailalim sa registration process ang produkto at wala silang inilabas na authorization para maibenta ito sa merkado. Malinaw ang nilalaman ng FDA Act of 2009 na ang mga produkto na walang authorization mula sa ahensiya ay hindi dapat ibinebenta, ginagamit o ipinakakalat.
Mahigpit ang babala ng FDA lalo na sa mga health professional na huwag gamitin ang thermometer na mayroong nabanggit na brand. Para rin makatiyak, bago bumili ng medical device ay mabuting i-check muna sa website ng FDA kung ito ay rehistrado.





Comments