Barangay theasurer niratrat ng riding-in-tandem
PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem ang isang barangay official sa Midsayap, North Cotabato.
Ayon kay Police Supt. Joan Maganto, kinilala ang nasawi na si Ahmad Kumayog, 43, barangay treasurer sa Mudsing, na aktibo sa pagsusulong sa Bangsamoro Organic Law.
Pasado alas-6:00 ng gabi, sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo at pauwi na nang tambangan ng dalawang lalaki ilang metro lamang ang layo mula sa barangay hall.
Si Kumayog ay chairperson din umano ng United Youth for Peace and Development (UNYPAD) sa lungsod.
Patuloy pang inaalam ang motibo at nasa likod ng krimen.





Comments