Babala ng mga eksperto... MGA BABAENG MAHABA ANG HINTUTURO, MANLOLOKO!
- BULGAR

- Dec 14, 2018
- 2 min read

MADALAS tinitingnan ng kalalakihan ang pagtrato sa kanila ng kanilang mga partner upang malaman kung sila ay mayroong ka-fling o nanloloko. Pero, knows ba ninyo na ang mga babae na mayroong mas mahabang hintuturo ay mas mataas ang tsansa na magloko sa relasyon? Weh, ‘di nga?
Isang pag-aaral ang isinagawa sa 274 kababaihan sa Oxford University kung saan sinukat ng mga researcher ang haba ng kanilang daliri.
Maliban pa rito, sinuri rin ang kanilang DNA at sinagutan nila ang psychological test tungkol sa relationship quality.
Matapos ang mga pagsusuri, napag-alaman ng mga researcher na ang dahilan ng pagkakaroon ng mahabang daliri ng mga kalahok ay dahil sa exposure nila sa sex hormone na oestrogen noong sila ay nasa sinapupunan pa lamang.
Dagdag pa ng mga researcher, ang mga kalahok na mayroong mahabang hintuturo at mas maiksing palasinsingan sa kaliwang kamay ay nagkaroon ng mababang standard sa relationship quality at impulsive behavior.
Samantala, ang mga kababaihan na mayroong mga katangian na nabanggit ang kadalasang hinahanap ng mga kalalakihan at dahil maraming nagkakagusto sa kanila, nagkakaroon sila ng maraming option na nagreresulta sa hindi pagiging kuntento sa kanilang partner, kaya naiisipan nilang magkaroon pa ng ka-fling.
Ayon pa sa mga siyentipiko, ito ang tinatawag na “impulsive mating” kung saan nagkakaroon sila ng sexual intercourse sa hindi nila karelasyon.
Nadiskubre ng mga researcher na ang kababaihan na mayroong mahabang hintuturo at mas maiksing palasinsingan ay mararamot o hindi mapagbigay.
Bagama’t, lumabas sa pag-aaral ang posibleng maging pag-uugali ng mga babae, hindi sinasabi ng mga eksperto na lahat ng babae na mayroon ng mga pisikal na katangiang nabanggit ay may kaparehong pag-uugali.
Kaya mga lodi, alam n’yo na kung ano ang dapat ninyong itsek para makasigurado. He-he-he!





Comments