top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Away sa kuryente | BAYAW KINATAY

  • Paul Lamsen
  • Dec 14, 2018
  • 1 min read

DAHIL sa hatian sa bayad sa nakonsumong kuryente, patay ang isang mister makaraang pagsasaksakin ng kanyang bayaw sa Sinait, Ilocos Sur.

Nakilala ang nasawi na si Ronald Bancheta habang ang suspek ay si Erwin Sanchez, kapwa nasa hustong edad.

Sinisingil umano ng biktima ang misis ng suspek sa hati sa kuryente subalit, wala pang maibayad na nauwi sa pagtatalo.

Naaktuhan umanong sinasaktan ng biktima ang misis ng suspek kaya kumuha ito ng patalim at pinagsasaksak ang bayaw.

Nabatid na nakikitira lamang ang mga ito sa bahay ng biktima kaya sinisingil sa bayad ng kuryente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page