Absuwelto sa pandarambong, P124.5 milyong PDAF, ipinasasauli | NO WAY! — REVILLA
- BULGAR

- Dec 14, 2018
- 1 min read

IGINIIT ni dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. na wala siya kasalanan kaya wala siyang isasauling pera.
“Ano ang isasauli ko? Wala naman akong kasalanan. Nagsalita na ang korte na wala akong kasalanan,” ani Revilla.
Hindi umano siya kasama sa mga personalidad na inutusan ng Sandiganbayan na magbalik ng nawalang P124.5 milyong halaga mula sa kaban ng bayan kaugnay sa pork barrel scam. Dagdag pa ni Revilla, nagsalita na ang korte at pinawalansala siya sa kasong plunder dahil na rin sa kakulangan ng ebidensiya.
Ayon naman sa kanyang abogadong si Carlos Villaruz, sa Article 100 ng Revised Penal Code, walang obligasyon si Revilla na magbayad.
“The court found that Senator Revilla did not receive any commission or kickbacks, so what is there to return?” ayon kay Atty. Reody Anthony Balisi na kasama rin sa defense counsel ni Revilla.
Ang obligado lang umanong magsauli ng pera ay ang sinasabing utak ng PDAF scam na si Janet Lim-Napoles at ang dating chief- of-staff ni Revilla na si Atty. Richard Cambe.
Paliwanag pa ng abogado, walang basehan ang korte para papanagutin si Revilla kaya malinaw na wala itong civil liability.
Hindi umano puwedeng papanagutin ang dating mambabatas dahil hindi ito napan ng guilty. (BRT)





Comments