ABARRIENTOS AT TORRES NG FEU TINILAD ANG UP SA UAAP JUNIORS


NANGUNA sina RJ Abarrientos at Xyrus Torres para sa Far Eastern University-Diliman sa kanilang 102-72 panalo nila kontra University of the Philippines Integrated School kamakalawa sa UAAP ‘81 Juniors Basketball Tournament sa Blue Eagle gym. Umiskor ang senior forward na si Torres ng kanyang career-high 27 puntos habang nagpakita ang graduating guard na si Abarrientos ng all around performance para sa Baby Tamaraws.
Nag-init ang mga kamay ni Torres at pumukol ng anim na triples habang nagposte naman si Abarrientos ng 15 puntos, 6 assists, at 4 rebounds upang makabawi mula sa pito at labing-isang puntos na produksiyon nila sa nakaraang pagkatalo ng FEU-Diliman sa De La Salle Zobel noong Linggo.
Bunga nito, umangat ang Baby Tams sa markang 4-2, panalo-talo habang nanatiling walang panalo ang Junior Maroons na pinamunuan ni Allen Torres na may 23 puntos at 9 na rebounds matapos ang 6 na laban.
Sa isa pang laban, iginupo ng University of Sto. Tomas ang DLSZ ,63-55. Parehas umiskor ng double-double sina Mark Nonoy(19 puntos, 12 rebounds, 6 assists) at Bismarck Lina (10-puntos, 12-boards) para pamunuan ang Tiger Cubs sa pag-angkin ng ikatlo nilang panalo sa loob ng anim na laro at pagtabla sa kanilang biktima sa patas na 3-3 marka. (VA)





Comments