47 timbog sa drug operation
Pabs Hernandez III
Dec 14, 2018
1 min read
ISANG drug operation ang isinagawa sa Rome, Italy dahilan upang maaresto ang 47 katao kabilang ang ilang Pinoy.
Nasabat ang 360 gramo ng shabu na nagkakahalagang P10 milyon, hiwalay na 300 grams ng hinihinalang shabu, cocaine, “speed”, “hashish” at marijuana.
Hinala ng pulisya, miyembro umano ng malaking drug syndicate ang mga naaresto.
Nasa kustodiya na ng Roma Piazza Farnese station ang mga suspek habang patuloy pa ang imbestigasyon.





Comments