top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

SUPER CRUNCH AT VALENZUELA NAGPAKABOG VS. TIGERS AT RIZAL

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 13, 2018
1 min read

KAPWA kumabig ng panalo ang Makati at Valenzuela sa huling bahagi ng laro noong Martes ng gabi sa MPBL Datu Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Pinalawig ng Super Crunch ang panalo sa pitong laro nang kalusin ang Mandaluyong, 79-63. Sa paggamit ng mahigpit na depensa, napuwersa ng Makati ang karibal sa 26 turnovers na nagresulta sa 33 points nang muling kabigin ng bataan ni coach Cholo Villanueva ang ika-13 panalo sa 17 laro upang manatiling solido sa 4th spot ng northern division ng torneo na inilunsad ni Senator Manny Pacquiao kung saan si PBA legend at dating MVP Kenneth Duremdes ang nagsilbing commissioner.

Maagang lumagare ang Super Crunch, nagpakawala ng 15 straight points, 19-5. Nagkukumahog na pumuntos ang Valenzuela sa 23 bago tinapos sa 76-74 victory kontra team Rizal.

Pinagsamang tikas nina Ford Ruaya at Carlo de Chavez ang bumida sa Classic pero si Jaymar Gimpayan ang sumagip sa huling 9 na segundo at iangat sa panalo ang tropa. Umibayo ang standings ng Valenzuela sa 7-10 record, kaparehong card ng Pampanga. Ang dalawang tropa ay patas sa 8th to 9th places. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page