top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pumalag sa warrant, todas

Levi Gonzales
Dec 13, 2018
1 min read

UTAS sa pulis ang isang wanted matapos umanong manlaban sa Bgy. Pook, Balayan, Batangas.

Alas-2:50 ng madaling-araw nang salakayin ng mga awtoridad ang bahay ng akusadong si Reynaldo Cabungcal kung saan bitbit nila ang warrant of arrest sa kasong illegal possession of firearms and ammunition. Papalapit pa lamang ang mga ito sa lugar nang agad umanong nagpaputok ng baril ang suspek.

Nagkaroon ng palitan ng putok na tumagal ng ilang minuto hanggang sa tuluyang duguang bumulagta ang akusado.

Dali-dali pa siyang isinugod sa pagamutan ngunit, idineklara itong dead-on-arrival.

Inaalam pa kung may kaugnayan ang nasawing akusado sa mga kilabot na gun-for-hire sa lalawigan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page