Kaya dapat tayong maniwala sa kasabihang, “nobody’s perfect”, besh! PAGIGING PERFECTIONIST, BAD SA


ILAN sa mga kabataan ay nagiging “perfectionist” pagdating sa iba’t ibang bagay. Ayon sa mga eksperto, mayroong advantage at disadvantage ang perfectionism. Pero, knows ba ninyo na ang disadvantage nito ay maaaring makaapekto sa ating mental health? Hala!
Alam ng karamihan na ang pagiging perfectionist ay magandang katangian dahil ito ay paraan ng pagpopokus sa mga detalye at pagkakaroon ng mataas na goal sa buhay. Ngunit, ang katangiang ito ay maaaring magdulot ng nakapaghihinang stress para sa lahat.
Iba’t ibang pag-aaral ang nakapagsabi na ang perfectionism ay may epekto sa mental health ng indibiduwal. Ayon kay Dr. Jessica Pryor, psychologist sa The Family Institute sa Northwestern University, ang 4 perfectionism ay may magandang naidudulot sa pagse-set ng goal tulad ng pagpupursige at pagbibigay ng lahat ng makakaya nang sa gayun ay maabot natin ang ating gusto.
Gayunman, ang kagustuhang maabot nang perpekto ang bagay ay may mataas na tsansang makalimutan ng indibiduwal ang bagay na dapat din niyang bigyang-pansin tulad ng physical at mental health.
Sa kabilang banda, ang dark side o unhealthy perfectionism ay maaaring magdulot ng depresyon, anxiety at suicidal thoughts.
Isang pag-aaral ang nakapagsabi na mataas ang rate ng perfectionism ng mga kabataan sa makabagong panahon kumpara sa mga naunang henerasyon.
Isinagawa ang pag-aaral sa 40,000 estudyante sa kolehiyo noong Disyembre 2017, napag-alaman ng mga researcher na tumaas ang lebel ng perfectionism nila kumpara sa mga teenager noong 1989. Tinawag ng mga researcher na “epidemic” ang perfectionism ng millenials.
Dagdag pa rito, kung sakali mang hindi sila nagtagumpay sa pagkamit nito, puwede rin silang mahirapan na mag-bounce back o bumalik sa dati nilang nakaugalian.
Batay sa pag-aaral noong June ngayong taon, 11,000 katao ang nakitaan ng aspeto ng perfectionism na mayroong suicidal ideation. At noong 2016, 284 na pag-aaral ang nagsabi na may koneksiyon ang pagiging perfectionist at ilang problema sa mental health tulad ng eating disorder, depression, anxiety disorder at obsessive-compulsive disorder.
Kaya kahit may mabuting epekto ang pagiging perfectionist, ipinaaalala ng mga eksperto na maganda ang mayroong standards, ngunit, isiping mabuti kung makatotohanan ba ito at kung hindi nito maaapektuhan ang iyong psychological well-being.
Kaya sa mga beshy natin diyan na palaging stressed dahil hindi ma-achieve ang gusto, eh, easy lang dahil may iba pang pagkakataon para ma-achieve mo ang bagay na ‘yan. Copy?





Comments