IM’S DIMAKILING, GARCIA, UMALAGWA SA ASIAN INTERCONTINENTAL CHESS

LIMANG Pinoy woodpushers sa pangunguna nina International Masters Oliver Dimakiling, Jan Emmanuel Garcia, Ricardo De Guzman at Roderick Nava ang nakapagposte ng tagumpay sa pangalawang round ng ginaganap na 2018 Asian Intercontinental Chess Championships sa Tiara Hotel ng Makati.
Hindi rin nagpaiwan ang binatilyong si Michael Concio Jr. at nagtala rin ng panalo sa round 2 ng paligsahang humatak ng mga malulupit na kinatawan mula sa China, Indonesia, Uzbekistan, India, Iran, Mongolia, Khazakstan, Singapore, Cambodia, New Zealand at Vietnam.
Sa kasamaang palad, kapwa Pinoy din ang naging biktima ng lima sa paligsahang tinatawag ding 2nd Pacquiao Cup. Bukod dito, unti-unti nang nakakaalagwa ang mga dayuhan at kasalukuyang puro bisitang chessers ang nakaupo sa tumatrangkong grupo gayundin ang mga nakaposisyon sa pangalawang pulutong.
Sa kasalukuyan, nasa lead pack dala ang malinis na kartadang 2.0 puntos ang mga Grandmasters na sina Wei Yu (2nd seed, China) Hua Ni (7th seed, China), Truong asong Ngoc Nguyen (9th seed, Vietnam), Lu Shanglei (10th seed, China), S.P. Sethuraman (8th seed, India), Alireza Firouzja (Iran), Surya Shekhar Ganguly (India), Nodirbek Abdusattorov (Uzbekistan) at ang Malaysian FIDE Master na si Zang Lim Lye. Nakabuntot ang isang dosenang 1.5 pointers na puro dayuhan.





Comments