top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ibinebenta sa resto, 5 arestado | KILU-KILONG KINATAY NA PAWIKAN, NASABAT

  • Jeff Tumbado
  • Dec 13, 2018
  • 1 min read

UMABOT sa 60 kilos ng kinatay na karne ng endangered pawikan ang nasabat sa isang kilalang mini-restaurant sa Cebu City.

Sa ikinasang operasyon ng National Bureau of Investigation Central Visayas Regional Office (NBI CEVRO), Department of Environment and Natural Resources (DENR-7) at Cebu City Government ay nakumpiska ang mga karne ng pawikan mula sa kainan sa Rallos Street, Bgy. Pasil.

Ayon kay DENR Senior Ecosystem Management Officer Rogelio Demelletes, Jr., mula Malaysia ay napadpad ang pawikan sa Cebu at doon ito hinuli saka ginawang karne para lutuin.

May nakita pa umanong tag sa karne ng pawikan kung saan nakasulat na ito ay nailigtas sa Sandakan, Malaysia at pinakawalan sa karagatan.

Pinaniniwalaan ng karamihan sa lugar na "exotic food" na nakapagpapalakas ng sex drive ng tao ang pagkain ng karne ng pawikan.

Lima ang inaresto sa nasabing kainan na kinabibilangan nina Donesa Bustamante, cashier; Cresley Obatay, cook; at mga helper na sina Ariesteo Pableo, Julio Abunta at Clifford Obatay.

Sinabi ni Demelletes na ang Bgy. Pasil sa lungsod ay kilalang lugar na sangkot sa illegal trade ng wildlife meat.

Tinatawag aniyang “power” ang pagkain na niluluto mula sa karne ng pawikan na ibinebenta ng P90 kada serving.

Nagbabala naman ang kagawaran na ang mga bumibili at kumakain ng pawikan meat ay maaari ring mapanagot dahil hindi naman ito maibebenta kung walang tumatangkilik.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page